Nagpatupad na ng 90-day temporary ban ang Bacolod City sa mga produktong gawa sa baboy na nagmumula sa Luzon.
Sa Executive Order na inilabas ni Bacolod City Mayor Evelio Leonardia, hindi muna pwedeng pumasok sa lalawigan ang mga lahat ng produktong baboy.
Bumuo na rin ng isang task force ang pamahalaang panlalawigan para pigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Samantala, naharang naman ang mahigit walong kilo ng pork products ng provincial government ng lungsod sa Bacolod-Silay Airport.