Nais pahabain sa syamnapung (90) araw ang pagkulong sa isang hinihinalang terorista habang iniimbestigahan.
Ito ang mungkahing amyenda ng security officials sa Human Security Act o Anti-Terrorism Law upang magkaroon ito ng ngipin sa paglaban sa terorismo.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kung may sapat na ngipin ang batas, magiging huling hakbang na lamang ang pagpapatupad ng martial law para labanan ang terorismo.
Sinabi naman ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, batay sa kanyang karanasan, hindi nakukuha sa isa hanggang tatlong linggo ang magandang resulta ng imbestigasyon.
Binigyang diin naman ni National Intelligence Coordinating Agency o NICA Chief Alex Paul Monteagudo makakagawa pa ng mga follow operations ang awtoridad para mapigilan ang mga tangkang pag-atake kung mas mahabang panahon makukulong ang isang hinihinalang terorista.
(Ulat ni Cely Bueno)