Nagpalabas ng notice of violations ang Department of Environemnt and Natural Resources (DENR) laban sa siyamnapung (90) establishments sa Siargao, Surigao del Norte.
Kasunod na rin ito nang isinagawang inspeksyon ng Environmental Management Bureau sa mga restaurant at resorts sa lugar noong isang buwan base na rin sa kautusan ni Environment Secretary Roy Cimatu.
Kabilang sa mga nakitang paglabag ang kabiguan ng mga establishment na kumuha ng environmental compliance certificate (ECC), paglabag sa Clean Air Act, Clean Water Act at Environmental Impact Statement System.
Nakakita rin ng problema ang regional enviromental officers sa kalidad ng tubig, hindi maayos na pagtatapo ng basura at hindi sapat na drainage systems.
Sinabi ni DENR Caraga Regional Director Felix Alicer na isusumite nila sa local government unit ang consolidated plan para mapagtulungang ayusin ang mga problema sa isla.
—-