Okupado na ang 90% ng COVID-19 beds ng ospital ng Sampaloc.
Ito ayon kay Dr. Aileen Lacsamana, Medical Director ng ospital ng Sampaloc ay bumaba pa ng 6% kumpara noong isang linggo.
Sinabi ni Lacsamana na kontrolado pa nila ang mga pasyente sa emergency room kumpara noong Marso hanggang April na karanasan nila kung kailan pila pila ang mga nasa ER.
Ipinabatid ni Lacsamana na ang ospital ay mayruong isang pediatric COVID-19 case, isang dalawang taong gulang at kalahati ng kaso ng virus sa mga matatanda ay hindi pa bakunado.
Nasa 44% aniya ng COVID-19 patients nito ay moderate cases.
Kasabay nito, inihayag ni Lacsamana na tumulong ang ospital ng Sampaloc na makapagturok ng 1, 350 doses sa mga residente sa paligid nito.