Nadiskubre ng mga awtoridad ang aabot sa 90 milyon pisong halaga ng shabu na nakasilid sa mga auto muffler o tambutso.
Natunton ang mga parte nito sa loob ng DHL warehouse sa paliparan.
Ayon kay Airport Customs District Collector Carmelita Talusan, nagmula ang mga kontrabando na idineklarang auto parts sa West Covina, California sa Amerika at nakapangalan sa isang Patrick Soriquez na taga-Las Piñas.
Nagduda ang Customs examiner sa bigat ng mga tambutso, at nang isalang sa x-ray ay nadiskubre ang 13 kilo ng iligal na droga sa loob nito.
Nagsagawa din ng controlled delivery ang BOC ngunit walang nag-claim sa 26 na packages.
Nai-turnover na ang mga nasabing iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at patuloy ang malalimang imbestigasyon na isinasagawa ng mga awtoridad.
Ulat at Istorya ni Raoul Esperas