Sinita ng mga pulis ang kabuuang 90 mga local tourists sa Cagayan De Oro City dahil sa paglabag ng mga ito sa umiiral ng quarantine protocols sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa mga tauhan ng Carmen Police Station, nadatnat ng kanilang tropa ang grupo ng mga turista na nasa beach sa Barangay Bonbon sa naturang probinsya.
Dahil dito, pinaalis at pigsabihan ng mga pulisya ang mga turista na bawal pang magpunta sa mga beach, gayundin ang pagtitipon-tipon dahil sa umiiral na community quarantine.
Samantala, dahil sa paglabag, nag-isyu ng ordinance violation receipt ang mga kawani ng carmen police station sa may-ari ng naturang beach.