Napunta sa lehitimong benepisyaryo ang cash assistance ng pamahalaan dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, ito ang ipinamigay na tulong pinansyal ng DSWD sa pamamagitan ng kanilang Social Amelioration Program (SAP) sa mga low income families.
Kabilang dito ang nasa 18-M mga low income families na aabot sa P5,000 hanggang P8,000 ang natanggap ng mga ito.
Magugunitang nitong nakaraang linggo ay muling nagbigay ng cash assistance ang pamahalaan matapos na isailalim ang Metro Manila sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa banta ng Delta variant.