Nananatili pa ring mababa sa poverty line ang 90% ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ay kahit kabilang sila sa programa sa loob ng maraming taon.
Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), 90% o 3,820,012 mula sa 4,262,439 ang active household-beneficiaries na nasa 4Ps sa loob ng 7 hanggang 13 years.
Sang-ayon naman si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na kailangang repasuhin ang 4Ps law na nilagdaan noong 2019 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.