Nag-abiso ang Department of Energy o DOE na tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa halos lahat ng gasolinahan sa buong bansa bago matapos ang buwan ng Enero.
Bunsod pa rin ito ng dagdag na excise tax sa langis sa ilalim ng ipinatutupad na Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Leonido Pulido, 90 porsyento ng mga gasoline stations sa bansa ang magpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Samantala, nauna nang nagtaas ng kanilang presyo noong Lunes, January 15 ang tinaguriang ‘big 3 oil companies’ na Caltex , Petron at Shell maging ang Flying V.
Paalala naman ng DOE na hindi pa maaring patawan ng buwis ang mga ‘old-stock’ na produktong petrolyo dahil hindi pa saklaw ang mga ito ng TRAIN Law.
—-