Siyamnapung porsyento ng mahihirap sa Southeast Asia ang naninirahan sa Indonesia at Pilipinas.
Ito ay batay sa ulat ng ASEAN-China-UNDP na pinamagatang “Report on Financing the Sustainable Development Goals in ASEAN: Strengthening Integrated National Financing Frameworks to Deliver the 2030 Agenda.”
Lumalabas na nasa halos 36 milyong katao sa Southeast Asia ang ikinukunsiderang nasa ilalim ng “extreme poverty” o lubhang mahihirap kung saan 90 porsyento nito ay mga Indonesians at Pinoy.
Bagama’t bumaba ang porsyento ng extreme poverty sa rehiyon mula 17 percent noong 2005 sa 7 percent noong 2013, marami pa rin ang mahihirap na nagtatrabaho ang may malaking tyansang bumalik pa rin sa pagiging mahirap.
Gayunpaman nagkaroon ng pag-unlad sa mga mamamayan ng ASEAN dahil sa pamamahagi ng universal health coverage kung saan isa sa mga solusyon upang mapabuti ang kanilang pamumuhay partikular na ang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
—-