Dumami ang mga public school sa bansa na magsasagawa ng face-to-face classes simula sa Lunes, Agosto 22.
Inihayag ng Department of Education na 90% na ng 47,000 public schools ang handa para sa face-to-face classes ngayong taon kumpara sa 76% na nagkasa ng in-person classes noong 2021.
Ayon kay DepEd undersecretary Epimaco Densing III, karamihan sa mga pribadong paaralan ay magpapatupad pa rin ng blended learning hanggang Oktubre 31.
Sa pagbubukas ng klase sa Lunes, may opsyon anya ang mga eskwelahan na magsagawa ng remote classes, blended learning mode o in-person classes.
Gayunman, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay kailangang magsagawa ng in-person classes pagsapit ng Nobyembre, alinsunod sa DepEd order 34.