Nasa 90% na ng 2022 National Budget ang naibaba ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga Departamento at ahensya ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni DBM undersecretary Tina Rose Canda, kung saan katumbas ng 4.3 trillion pesos mula sa 5.024 pesos na budget ng bansa ngayong taon.
Ani Canda, ang hawak na lamang ng DBM ay ang mga special purpose fund, tulad ng calamity fund.
Saka-sakaling mayroong mga bagong programa ang susunod na administrasyon na nais nilang isulong, maaari namang gumawa ng batas ang kongreso.