Tinatayang nasa 90% ng populasyon ng mundo ang may immunity sa SARS-COV-2 o ang virus na nagdudulot ng Covid-19.
Ayon kay World Health Organization director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ito’y dahil sa mga isinasagawang bakunahan laban sa naturang sakit.
Sa kabila nito, sinabi ni Ghebreyesus na hindi pa masasabing tapos na ang emergency phase ng pandemya ngunit malapit na aniya itong makamit.
Ibinabala naman nito na posible pa ring may sumulpot na mga bagong variant na maaring pumalit sa Omicron.
Sa ngayon aniya ay laganap ang mahigit 500 highly transmissible Omicron sub-lineages na mas madaling makahawa kahit na hindi naman gaanong malala ang epekto kumpara sa mga naunang variant ng Covid-19.
Hinimok naman ng WHO ang mga lider ng bawat bansa na pagtuunang pansin ang pagbabakuna sa mga indibidwal na mahigit 60 taong gulang at mga may karamdaman.