Aprubado na ng Department of Education (DEPED) ang pakikibahagi ng 90 pampublikong paaralan sa pilot implementation ng limited face to face classes sa susunod na buwan.
Ayon kay DEPED Secretary Leonor Briones, walapang paaralan mula sa Metro Manila ang makilalahok sa pilot run, simula Nobyembre 15.
Sampu anyang paaralan mula region 1; 10 sa region 3; lima sa CALABARZON; tatlo sa Bicol habang tatlo rin mula region 6 ang makikibahagi sa face to face classes.
Walong paaralan naman mula region 7 ang kasali sa pilot run; sampu sa region 8; walo sa region 9; anim sa region 10; walo sa region 11; lima sa region 12 habang labing-apat sa CARAGA region.
Una nang inanunsyo ng kalihim na mas maraming paaralan ang dapat na makibahagi sa pilot run pero nagdesisyon ang ilang Local Government Units maging ang mga magulang na hindi tumuloy sa pilot run dahil sa pabago-bagong risk level ng COVID-19 sa kanilang lugar.—sa panulat ni Drew Nacino