Umabot na sa 91.74% ang vaccination rate sa Baguio City.
Ayon kay Chief of the Public Information Office (PIO) – Baguio Aileen Refuerzo, lagpas na sa 90% ng target population ang vaccination rate ng Baguio dahil sa puspusang paghihikayat ng lokal na pamahalaan sa mga residente ng siyudad na magpabakuna.
Batay sa inilabas na vaccination statistics ng Baguio City, nasa 257,805 na ang bakunadong indibidwal at nasa 212,390 ang fully vaccinated sa mga ito.
Ani Refuerzo, maaring makapagrehistro sa bakuna.baguio.gov.ph ang mga residente ng lugar na nais magpa-schedule ng kanilang vaccination day.—sa panulat ni Joana Luna