Nabawi na ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang siyamnapung (90) porsyento ng Marawi City, isang linggo mula nang umatake ang Maute Terrorist Group sa lugar.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, target nilang mabawi mula sa Maute ang natitira pang bahagi ng Marawi sa mga susunod na araw.
Dito aniya posibleng nagtatago ang tinaguriang emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.
Kasabay nito, ipinabatid ni Padilla na pumapalo na sa walumpung (80) miyembro ng Maute ang napatay sa mahigit isang linggong bakbakan sa Marawi.
Narekober din aniya ng militar ang mga dokumento na nagpapatunay na planado ang pag-atake ng Maute Group sa Marawi.
By Meann Tanbio | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
90 porsyento ng Marawi City hawak na ng militar was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882