Target ng COMELEC o Commission on Elections na maabot ang 90 porsyentong transmission rate o bilis ng pagbibilang ng mga boto sa eleksyon.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, hindi nila hahayaang maulit ang nangyari noong 2013 elections kung saan bumaba sa 76 percent ang transmission rate.
Gayunman, tiniyak ni Bautista na hindi lamang ang bilis ng pagbibilang ang kanilang babantayan kundi titiyakin nilang tama ang bilang ng mga boto sa eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andy Bautista
Thermal paper from Smartmatic
Aabot sa P50 milyong piso ang natipid ng COMELEC o Commission on Elections dahil sa donasyong thermal paper ng Smartmatic.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, kinansela na nila ang bidding para sa pagbili ng thermal paper na gagamitin sa pag-isyu ng resibo sa eleksyon dahil sapat na ang donasyong papel ng Smartmatic.
Tiniyak ni Bautista na wala silang nilalabag na batas sa pagtanggap ng 1.1 million roll ng thermal paper at sa anumang transaksyon nila sa Smartmatic sa hinaharap.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andy Bautista
By Len Aguirre | Ratsada Balita