Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na nasa edad na 18 taong gulang hanggang 30 ang nahahawaan pa rin matapos maturukan ng dalawang dose ng bakuna.
Base sa inilabas na datos ng FDA, nasa 90% ang mga nagkakaroon pa rin ng COVID-19 sa kabila ng fully vaccinated na umano ang mga ito.
Sinabi ni FDA director general Eric Domingo, na kahit nabakunahan na kontra COVID-19, patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.
Bukod dito, isa na rin sa dahilan kung bakit nangyayari ito ay karaniwang sa mga nasa edad na ito ang lumalabas at nakakasalamuha ng iba.
Bagama’t wala namang naitatalang namamatay sa mga nakakumpleto ng bakuna sa naturang edad, maaari nilang mahawa ang mga nakatatanda lalo na ang mga taong may comorbidity.