Aabot sa 900 baboy sa loob ng one kilometer radius ang pinatay sa Pangasinan para hindi na kumalat pa ang African Swine Fever (ASF) sa lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng lalawigan, ito ay bilang pagsunod sa 1-7-10 protocol ng Department of Agriculture (DA).
Ito ay matapos magpositibo ang ilang baboy sa isang piggery sa Barangay Apalen sa Bayambang, Pangasinan.
Samantala, inilagay na din sa quarantine zone at isinailalim na rin sa state of calamity ang 12 barangay na nasa loob ng one kilometer quarantine zone.