Nangunguna ng Metro Manila sa may pinakamataas na kaso ng HIV o human immunodeficiency virus na naitala ng Department of Health o DOH.
Ayon sa DOH, halos 900 bagong kaso ng HIV ang nadagdag sa kanilang talaan nito lamang Nobyembre ng nakalipas na taon sa buong bansa.
Tatlongdaan (300) dito ang naitala sa Metro Manila, isandaan at animnapu’t apat (164) naman sa CALABARZON o Region 4-B at siyamnapu’t apat (94) na kaso naman ang naitala sa Central Luzon o Region 3.
Dahil dito, muling hinimok ng DOH ang publiko na huwag mag-atubiling magpasuri sa mga DOH accredited hygiene clinics sa iba’t ibang lungsod sa bansa at iginiit na libre ang serbisyong ito.
—-