Pinayagan nang makauwi ang may 900 pamilya mula sa mga evacuation centers sa Albay at Sorsogon.
Ayon kay Guinobatan Mayor Gemma Ongjoco, 800 pamilya mula sa Barangay Maninila at Tandarosa ang napauwi na dahil sa gumandang panahon.
Gayundin ang may halos 100 pamilya mula sa Irosin, Sorsogon.
Samantala, mananatili sa mga evacuation camp ang mga pamilya mula sa libon hanggat hindi nabibigyan ng gobyerno ng permanenteng relocation site.
Ang mga ito kasi ay ang mga residenteng inilikas malapit sa creek matapos ang naganap na landslide sa naturang bayan nuong December 2.