Nakapagtala ang Department of Health o DOH ng halos siyamnaraang (900) panibagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Batay sa record ng DOH, nasa kabuuang walong daan at siyamnapu’t apat (894) na kaso ang kanilang naitala kung saan siyamnapu’t anim na porsyento (96%) dito ay pawang mga kalalakihan.
Nangunguna ang National Capital Region sa may pinakamataas na naitalang kaso na may tatlong daan at tatlo (303), sinundan naman ito ng CALABARZON na may isangdaan at animnaput apat (164) at pumangatlo ang Central Luzon na may siyamnaput apat (94) na kaso.
Hinimok naman ng DOH ang publiko na magpasuri sa mga libreng DOH accredited hygiene clinics na matatagpuan sa iba’t-ibang lungsod sa bansa.