Nakumpiska ng mga composite team na pinamumunuan ng COMELEC ang mahigit 900 campaign posters ng mga kandidatong tumatakbo para sa mga pambansang posisyon sa buong Baguio City.
Ayon kay COMELEC Officer Atty. Reyman Solbita, na karamihan sa mga nakumpiskang campaign posters ay napakalaki at hindi naka-post sa mga nakatalagang posting areas.
Dadag pa ni Solbita, na ang ilan ay nabigo na isama ang buong pangalan at address ng mga nag-print ng mga poster at nabigong isama ang tala na: This Is A Recyclable Material.”
Samantala, sinabi ng COMELEC officer, na hindi nila tatanggalin ang mga campaign posters na hindi sumunod sa mga detalye ng COMELEC na nakapaskil sa loob ng mga pribadong pag-aari ngunit aabisuhan nila ang may-ari tungkol sa paglabag.
Gayunpaman, binigyang-diin ng opisyal, na ang PNP at army ay nagbibigay lamang ng seguridad sa mga composite team. —sa panulat ni Kim Gomez