Siyamnaraang (900) sundalo ang ipakakalat ng AFP o Armed Forces of the Philippines para sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Sabado.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, ang mga nasabing sundalo ay magmumula sa Joint Task Force-NCR na nakabase sa Camp Aguinaldo.
Sinabi ni Padilla na karamihan sa mga sundalo ay ide-deploy sa venue ng procession habang ang iba ay magsisilbing standby force.
Armado aniya ang mga sundalo ng equipment para sa biological at chemical hazards, explosives at maging sa search and rescue.
Ipinabatid din ni Padilla na mayroon silang naka-standby na helicopters at trucks kung kakailanganin.
By Meann Tanbio