Sinimulan nang bawiin ng Dole Japan Inc. ang 9,000 buwig ng saging na inangkat nila sa Pilipinas at naipamahagi na sa mga pamilihan.
Sa isang inspection na ginawa ng Dole Japan sa syudad ng Kawasaki, nakitaan ng tatlong sentimetro ng kawad ang isa sa mga package ng saging.
Ang inspeksyon ay isinagawa makaraang makatanggap ng reklamo ang Dole Japan mula sa Aichi Prefecture na mayroon itong nakitang kawad sa kinakain niyang saging.
Ayon sa Dole Japan, posibleng mayroong nagsingit ng kawad sa mga saging bago ito inilabas ng Pilipinas.
Agad namang humingi ng paumanhin sa mga mamimili ang Dole Japan.
—-