Tinatayang 9,000 drug users at pushers ang kusang loob na sumuko sa Pampanga Police.
Ang mga sumuko ay pinagmartsa patugo ng Sports Complex sa San Fernando City para doon manumpa na ihihinto na ang kanilang masamang bisyo at pagtutulak ng illegal na droga.
Ayon kay Pampanga Provincial Police Director Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., nagmula sa 19 na bayan sa Pampanga ang mga sumuko pero karamihan ay mula sa Mexico, Mabalacat at San Fernando.
By Len Aguirre