Nakahanda na ang nasa 9,000 mga volunteers na tutulong para sa gaganaping 30th South East Asian Games (SEA Games) sa bansa simula November 30.
Ayon kay Volunteer Program Official Chris Tiu, nasa sampung porsyento na lamang ng kabuuang bilang ng kanilang mga volunteers ang isinasailalim sa security and background check ng PNP at National Intelligence Coordinating Agency.
Kinakailangan ang screening at security checking para matiyak na walang ano mang masamang record ang kanilang mga volunteers para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Tiwala naman si Tiu na makukumpleto ang security at background checking sa lahat ng kanilang volunteers sa susunod na linggo bago magsimula ang SEA Games.
Pagtitiyak pa ni Tiu, sumailalim na rin sa mga kinakailangang training ang kanilang mga volunteers kung saan nakatutok ang mga ito sa customer service, pagbibigay impormasyon hinggil sa SEA Games at seguridad.