Halos syam na raang (900) bilyong dolyar ang ilalatag ng China para sa may siyam na raang (900) proyekto na maaaring pakinabangan ng animnapu’t limang (65) mga bansa.
Inilatag ito ni Chinese President Xi Jin Ping sa pagbubukas ng Silk Road Summit sa Beijing o ang Belt and Road Forum.
Nakahanay sa mga proyektong ito ang China-Europe Railway Express na mag-uugnay sa dalawampu’t pitong (27) syudad sa China at dalawampu’t walong (28) syudad sa Europa.
Kasama rin sa proyekto ang daungan sa pakistan patungo sa hilagang kanluran ng Xinjiang Province sa China.
Bukod dito, maglalagay rin ang China ng industrial parks sa Malaysia, Belarus at iba pang lugar.
Ang Summit ay dinaluhan ng mga lider ng iba’t ibang mga bansa kabilang si Russian President Vladimir Putin.
By Len Aguirre
$900B ilalatag ng China sa mga proyekto para sa 65 bansa was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882