Aabot sa 900K accounts ang naka-block ngayon sa financial application na GCash na sangkot umano sa fraudulent activities.
Ayon sa GCash, ginawa ang nasabing hakbang sa loob ng unang tatlong buwan ng 2022 sa tulong ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police, na layong protektahan ang mga customer laban sa panloloko o scam gamit ang kanilang platform.
Pinaalalahanan naman ni GCash president and Chief Executive Officer Martha Sazon ang publiko na mag-ingat sa mga online scam.
Hinimok rin nito ang mga user ng app na huwag i-share ang kanilang MPIN o one-time password.