Aminado ang National Vaccination Operations Center (NVOC) na malabong makamit ang target na 90M Filipino na fully vaccinated laban sa COVID-19 hanggang June 30.
Ayon kay NVOC Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mahirap maabot ang target na populasyon sa pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan ay nakatutok sila sa kanilang naunang layunin na 77M Filipino na fully vaccinated o 900k vaccine jabs kada araw.
Karamihan anya ng mga Pinoy ay hindi pa rin kumbinsidong magpabakuna habang ang iba ay nasa mga liblib na lugar.
Hanggang nitong Lunes, Abril a -18, umabot na sa mahigit 67M ang fully vaccinated individuals habang nasa 12.7M na ang tinurukan ng booster.
Samantala, umaasa naman si Cabotaje makakapag-full-blast na sila ng vaccination activities sa buong Abril hanggang Hunyo.