Nakarekober na ang 91 COVID-19 patients sa Region 12 o Soccsksargen.
Bunga nito, ayon kay DOH-Soccsksargen Region spokesperson Arjohn Gangoso, umakyat na sa 2,993 ang total recoveries sa kanilang rehiyon.
Mas marami ang mga naitalang gumaling mula sa Sarangani, Cotabato City, General Santos City at South Cotabato.
Maliban dito, nakapagtala naman, ang DOH Region 12 ng 39 na bagong kumpirmadong kaso habang nasa 123 na ang death toll sa naturang rehiyon.