Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na ng bansa ang nasa 91 distressed overseas Filipino workers mula sa bansang Bahrain.
Sakay ng Gulf Air’s direct commercial flight ibiniyahe ang mga Pilipinong nakararanas ng axiety, depression at pananakit sa kanilang mga employer.
Kabilang sa mga napauwi ang mga menor de edad, pardoned detainees, overstaying overseas Filipinos, pregnant women, medical patients, at wards sa embassy shelter.