Mayorya ng mga Filipino ang positibong sasalubungin ang bagong taon batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumabas sa naturang survey na 91% ng mga Pinoy ang nagsasabing puno pa rin sila ng pag-asang papasukin ang 2021 sa halip na takot sa kabila ng nararanasan pa ring COVID-19 pandemic.
Ang nasabing bilang ay mababa ng 5% kumpara sa 96% na naitala noong 2018.
7% naman ang nagsabing sasalubungin nila ang bagong taon ng may takot.
Isinagawa ang survey noong November 21 to 25.