Lumobo na sa 92 ang nasawi habang mahigit 100,000 ang nangangailangan ng emergency assistance dulot ng tropical cyclone Batsirai sa Madagascar.
Ayon sa National Office for Risk and Disaster Management, nag-landfall noong weekend ang naturang bagyo at hinagupit ang rehiyon ng Ikongo, malapit sa East Coast ng Indian Ocean.
Nagpahatid naman ang mga humanitarian organizations ng tulong sa mga apektadong residente.
Magugunitang bumabangon pa lamang ang Madagascar matapos hagupitin noong nakaraang buwan ng tropical storm ana kung saan hindi bababa sa 131,000 ang naapektuhan. —sa panulat ni Mara Valle