Aprub sa 92% ng mga nakatatandang Pilipino ang COVID-19 pandemic response ng pamahalaan.
Ito ang lumabas sa 2022 “Tugon ng Masa” 4th quarter survey ng independent group na OCTA research.
Ayon sa grupo, aabot sa 1,200 na mga male and female respondents ang kanilang sinurvey na pawang mga nasa edad na 18 pataas.
Pahayag ng OCTA, base sa kanilang nakuhang resulta kasunod ng isinagawang survey noong October 23 hanggang 27, umakyat ng 10% ang approval rating ng pamahalaan pagdating sa patuloy na pagtugon sa pandemya.
Samantala, nakitaan naman ng pagbaba ang approval rating ng gobyerno noong September 2021 at February 2022.
Pero paglilinaw ng OCTA, ito ang mga buwan na mabilis ang pagtaas ng bilang ng hawaan, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa lahat ng bansa sa mundo.