Aabot sa 92% na mga senior citizen sa Camarines Sur, ang bakunado na laban sa covid-19.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH-Bicol), 122,000 sa 137,000 na senior citizen ang nakatanggap ng covid-19 vaccine bago ang pagtatapos ng unang isandaang araw ng pinaslakas program ng pamahalaan.
Ayon sa kagawaran, magpapatuloy ang kanilang kampanya kahit maraming agam-agam ang publiko pagdating sa pagpapabakuna.
Layunin nitong wakasan na ang pagod ng mga healthcare workers bunsod ng covid-19 pandemic.