Umabot na sa 92% ang bakunado kontra COVID-19 na tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Batay sa datos ng CAAP, nasa 6,385 ang kabuuang bilang ng fully vaccinated personnel.
322 naman ang nakatanggap na ng first dose.
Samantala may 8% na lamang ang hindi nababakunahan kung saan 189 dito ang tumangging magpabakuna habang 28 naman ang hindi kwalipikadong turukan ng COVID-19 vaccine.