25 colonels at generals na lang ng Philippine National Police (PNP), ang hindi pa nakakapaghain ng kanilang courtesy resignation.
Mahigit isang linggo ito matapos ang apela ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., bilang bahagi ng paglilinis sa hanay ng pulisya kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP spokesperson, PCol. Jean Fajardo, 928 o 97% ng kabuuang 953 full colonels at generals ng PNP, ang nakapaghain na ng kanilang pagbibitiw.
Noong Sabado, nadagdagan ng 24 ang bilang kung saan karamihan ay nagmula sa Visayas at Mindanao.
Muli namang nilinaw Fajardo na walang parusang maghihintay sa mga hindi magsusumite ng kanilang pagbibitiw, dahil ito ay boluntaryo lamang gaya ng sinabi ni Secretary Abalos.