Nagamit na ng DepEd ang 93 percent na pondo para sa Basic Education Learning Continuity Plan o BE-LCP.
Tiniyak ni Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na tumatalima ang kagawaran sa accounting standards ng Commission on Audit.
Ito’y makaraang punahin ng COA ang DepEd sa pagkukulang sa paggastos sa 8.1 billion pesos na pondo para sa COVID-19.
Nobyembre aniya sila nakatanggap ng pondo, pero noong Disyembre 2 ay nag-audit agad ang COA, kaya’t halos dalawang buwan lamang ang kanilang naipakita.
Nanindigan si Sevilla na hindi pumalpak ang DepEd sa pagsusumite ng dokumento sa COA hinggil sa paggamit ng pondo.
Binigyang-diin naman ng DepEd official na walang pinagbago ang benchmark policy at timeline ng submission ng supporting documents ng COA kahit mayroong COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Drew Nacino