Nakauwi na sa Mindanao ang 93 mangingisdang Pinoy na nahuli umanong nangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia.
Ayon kay Petty Officer 2 Aldwin Aguila ng Philippine Coast Guard, pinalaya ang mga ito matapos madakip dahil sa illegal fishing at paglabag sa Immigration laws.
Sinasabing napauwi ang mga mangingisda sa tulong ng BRP Pangasinan ng Philippine Navy mula sa Bitung, Indonesia.
Giit ni Aguila, ilan sa mga na-repatriate ay nabilanggo ng tatlong buwan at wala pang passport at dokumento.
Kabilang sa mga umayuda sa pagpapauwi ng mga naturang mangingisda ay ang Philippine Consulate at gayundin si General Santos City Mayor Ronnel Rivera.
By Jelbert Perdez