Inihahanda na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 15 pang kaso laban sa ilang barangay officials na may kaugnayan sa mga umano’y anomalya sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng gobyerno.
Sa ginanap na Laging Handa virtual press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kasalukuyan nang iniimbestigahan ang pagkakasangkot ng 93 local officials sa katiwalian.
Aniya, inatasan na rin ni Interior Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na hawakan ang kaso laban sa mga opisyal na posibleng may kinalaman sa anomalya.
Sa pinakahuling tala ng DILG, aabot na sa 400 indibidwal ang nagsampa ng reklamo laban sa ilang lokal na opisyal.