Umani ng batikos si COMELEC Chairman Andres Bautista mula sa kanyang mga katrabaho dahil sa pagliban nito ng isang araw nang wala man lang itinalagang hahalili sa kanya pansamantala.
Reklamo ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim, nag-file ng isang araw na Leave of Absence si Bautista noong Huwebes upang magtungo sa Japan nang walang ngunit hindi ito nag-atas ng pansamantalang aako ng kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng COMELEC.
Paliwanag ni Lim, nakasaad sa mga patakaran ng COMELEC na dapat magtalaga ng Acting Chair kapag liliban sa trabaho ang pinuno nito.
Aniya, maaaring maapektuhan ang mga administratibong operasyon ng COMELEC dahil sa kawalan ng acting chair.
Kaugnay dito, iginiit ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na walang pahintulot ng COMELEC En Banc ang pag-alis ng bansa ni Chairman Andres Bautista kaya hindi nakapagtalaga ng Acting Chair ang En Banc.
Dahil sa isang araw na pagliban ni Bautista sa trabaho, naantala, aniya, ang ilang bahagi ng operasyon ng COMELEC tulad ng pagbabayad sa mga supplier ng election materials dahil hindi pa napipirmahan ang ilang dokumento.
Magugunitang nagtungo sa Japan si bautista noong Huwebes.
Ngunit paglilinaw ni Guanzon, Comelec En banc ang dapat na magtalaga ng Acting Chair at hindi si Bautista.
By: Avee Devierte