Iminungkahi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na ipagpaliban ang Barangay Elections sa darating na Oktubre
Ito’y ayon kay Bautista ay para paghilumin ang sugat na iniwan ng madugong pulitika matapos ang nakalipas na halalan nuong Mayo
Aniya, nagdulot ng pagkakawatak-watak sa mga Pilipino ang nakalipas na halalan kaya’t marapat lamang na magpahinga muna ang bansa mula sa pulitika
Ngunit sa panig ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ang mungkahi ni Bautista ay pansarili at hindi kumakatawan sa katuwiran ng En Banc
Dahil dito, kinontra ni Commissioner Rowena Guanzon ang panukala ni COMELEC Chairman Andy Bautista na ipagpaliban ang halalang pambarangay ngayong taon
Giit ni Guanzon, malinaw ang isinasaad sa batas na may nakatakdang halalan sa darating na Oktubre kaya’t dapat itong gampanan ng poll body
Dapat aniyang samantalahin ang momentum ng mga Pilipino sa pagpili ng mga mamumuno sa barangay lalo’t magpapalit na rin ng liderato ang bansa sa Hulyo
Pagbubunyag pa ni Guanzon, marami sa mga opisyal ng barangay ang sangkot din sa iligal na droga kaya’t napapanahon na para palitan ang mga ito
By: Jaymark Dagala