Umabot na sa 94.5% ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), katumbas ito ng 73.7 million na target o eligible population.
Kabilang dito ang 21.1 million individuals na naturukan na ng unang booster shot at 3.7 million na tumanggap ng ikalawang booster shot.
Patuloy na hinihikayat ng kagawaran ang publiko, partikular na ang target population o may mga comorbidities na magpabakuna at tumanggap ng booster upang mas maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa nakahahawang sakit. – sa panulat ni Hannah Oledan