Nasa 94% na ng mga negosyo ang bukas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ito ay ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) matapos itong magsara ang maraming negosyo dahil sa ilang buwang lockdown bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DTI secretary Ramon Lopez, halos lahat na ng negosyo ay nagbalik-operasyon na ngunit limitado lamang ito sa 50% ng kanilang operating capacity.
Sinabi ni Lopez na asahan pang mas luluwag sa pagbubukas ng negosyo sa ilalim ng modified GCQ.
Maaari na kasing magbukas dito ang mga outdoor at indoor sports facilities gaya ng gym.