Mayorya ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) na gawa sa Western countries.
Batay sa survey na isinagawa ng Asean Macroeconomic and Research Office (Amro), lumabas na 94% na Pinoy ang nagsabing mas gusto nila ang bakuna ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, o US-made vaccine gaya ng Johnson & Johnson, Moderna at Novavax.
Nasa 25% naman ng respondents sa buong Asya ang hindi partikular sa bakunang ituturok sa kanila.
Samantala, tinanong din sa survey kung kailan sila handang magpabakuna, 46.3% ng mga Pilipino ang nagsabing maghihintay muna na ng ilang buwan para sa mga karagdagan pang pag aaral at ebidensya ng bakuna.
Nasa 35.8% naman ang nasabing maghihintay upang makita ang epekto ng bakuna sa ibang mga nabakunahan na.