Nadagdagan pa ang bilang ng gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nakapagtala ang QC ng 94% recovery rate o nasa 21,589 na ang total recoveries mula sa 23,020 na impeksiyon sa lungsod.
Dahil dito, nasa 768 na lamang ang active cases sa QC.