Dumating na sa bansa ang karagdagang 942,000 doses ng pfizer vaccine.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), alas-8:45 kagabi, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong lulan ng mga nasabing bakuna.
Ang mga nasabing bakuna ay kabilang sa binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank na gagamitin para sa pediatric vaccination.
Samantala, inaasahan namang darating ngayong araw ang ikalawang batch ng Pfizer vaccine na aabot sa 936,000 doses. — sa panulat ni Angelica Doctolero