Halos 95% na ang natapos sa pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa gaganaping halalan sa Mayo a-9.
Ayon sa Commission on Elections, nasa 63.85M o 94.68% na ng 67.44M balota ang naimprenta na.
Nakatakda namang sunugin ang naitalang 178, 990 na defective ballots.
Samantala, ayon kay Comelec Comissioner George Garcia inaprubahan na ng Comelec ang aplikasyon ng 84,221 na indibidwal para sa local absentee voting habang mayroong kabuuang 93, 567 naman na verified applicants.
Mababatid na gagamitin dito ang manual system ng eleksyon, kung saan ang mag-a-avail ay papayagan lamang makaboto ng presidente, bise-president, mga senador at party-list representative. — sa panulat ni Mara Valle