95% ng mga namatay sa COVID-19 sa bansa ang hindi bakunado.
Ito ang inihayag ni health secretary Francisco Duque III sa gitna ng pinaigting na bakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Duque, aabot naman sa 85% ng mga na-ospital ay pawang severe at critical COVID-19 infection na hindi rin bakunado.
Karamihan sa mga namamatay ay senior citizen kaya’t nananawagan ang kalihim sa mga hindi pa nababakunahan na magpaturok na dahil ligtas at epektibo naman ang COVID-19 vaccine.